The Book of Common Prayer | |||||||
|
|
Tagalog is, with English, one of the two official languages of the Philippines. It is used throughout the Philippines, as well as throughout the Filipino diaspora. Over a quarter of the population speak it as a first language, and nearly half as a second language. In a standardized form Tagalog is also known as Filipino. The Episcopal Church in the Philippines is a province of the Anglican Communion first established in 1901 by missionaries from the Episcopal Church. Filipino Episcopalians worship in English, Tagalog, Igorot, Ilocano, and other local languages. Anglicans are also in communion with the much larger Philippine Independent Church (Iglesia Filipina Independiente), which worships in English and Tagalog. This text was taken from a ten-page typescript document which has no date or indication of publisher or place of origin.
|
Thanks are due to Richard Mammana, who obtained and transcribed the text. |
ANG KAAYUSAN NG MISA(Hango sa Ritwal 2: Aklat ng Panalangin) (Paalala: Kung walang Pari, ang Liturhiya ay maaring gampanan ng isang Diakono o Ministro ng eukaristiyang may pahintulot ng Obispo o Pari) |
|
AWITING PAPURI AT PAGSAMBA (Pangunahan ng Lider ang pag awit ng kongregasyon) |
Processional Hymn |
PAGBATI Pari: Pagpalain nawa ang Diyos: Ama, Anak at Espiritu Santo. |
Greeting |
LUWALHATI: (Ipagpaliban sa Adviento at Kuaresma) Luwalhati sa Diyos sa kaitaasan, at sa lupa’y kapayapaan sa mga taong may magandang kalooban. Panginoong Diyos, Haring makalangit, makapangyarihang Diyos at Ama; sinasamba Ka namin, pinasasalamatan Ka namin, pinupuri Ka namin dahil sa Iyong kaluwalhatian. Panginoong Hesu Kristo, bugtong na Anak ng Ama, Panginoong Diyos, Kordero ng Diyos, ikaw na nag-aalis ng kasalanan ng sanlibutan, maawa ka sa amin. Ikaw na naluluklok sa kanan ng Ama, tanggapin Mo ang aming panalanangin. Sapagkat Ikaw lamang ang Banal, Ikaw lamang ang Panginoon, Ikaw lamang ang kataastaasang Hesu Kristo, kasama ang Espiritu Santo, sa kaluwalhatian ng Diyos Ama. Amen. KYRIE ELEISON: (Kapalit ng Luwalhati) Panginoon, maawa ka. (x3) |
Gloria |
PANALANGIN SA ARAW NA ITO Lider: Ang Panginooon ay sumainyo. |
Collect of the Day |
SALITA NG DIYOS UNANG ARAL: |
Word of God First Lesson |
SALMO O AWIT: (Sagutan ang pagbasa o awitin ang salmo) IKALAWANG ARAL: |
Psalm or Psalms Second Lesson |
AWITING GRADWAL: EBANGHELYO: Pari: Ang banal na Ebanghelyo ayon kay ——, |
Gradual Gospel |
ANG MENSAHE ANG KREDO (Ng Amga Alagad) Sumasampalataya ako sa Diyos, Amang makapangyarihan, Lumikha ng langit at ng lupa; Sumasampalataya ako kay Hesu Kristo, bugtong na Anak ng Ama, aming Panginoon. Idinalangtao sa kapangyarihan ng Espiritu Santo, ipinanganak mula sa Birheng Maria, nagdusa sa panahon ni Ponsyo Pilato, ipinako sa krus, namatay at inilibing. Bumaba Siya sa mga patay. Sa ikatlong araw, Siya’y nabuhay na muli. Umakyat sa langit at naluklok sa kanan ng Ama. Siya’y babalik muli upang hukuman ang mga buhay at mga patay. Sumasampalataya ako sa Espiritu Santo, sa banal na Simbahang katolika, sa samahan ng mga banal, sa kapatawaran ng mga kasalanan, sa muling pagkabuhay ng tao at sa buhay na walang hanggan. Amen. |
Sermon Apostles' Creed |
PANALANGIN NG BAYAN (Form III) Lider: Ama, idinadalangin po namin ang Simbahang katolika; (Dito, maaaring banggitin ang mga pangangailangan) Halimbawa: 1. Nagpapasalamat po kami sa kaarawan ni ... Panghuling Panalangin: Lider: Panginoon, pakinggan po Ninyo ang aming mga panalangin; at sana’y ang lahat ng aming mga hinihiling ayon sa Iyong kalooban ay aming makatamtan, para sa kaluwalhatian ng Iyong banal na Pangalan, sa pamamagitan ni Kristong aming Panginoon. |
Prayers of the People, Form III |
KUMPISAL NG LAHAT: Lider: Ikumpisal po natin ng ating mga sala sa Diyos at sa kapwa: Lahat: Mahabaging Diyos, kami po’y nangungumpisal, na kami’y Nagkasala, sa isip, sa salita at sa gawa--sa aming nga ginawa at sa aming nakaligtaang gawin. Hindi po kami nagmahal sa Iyo ng buong puso; hindi po kami nagmahal sa aming kapwa tulad ng aming pagmahal sa aming sarili. Kami po ngayon ay lubos na nagsisisi at nagpapakumbaba, alang-alang sa Iyong Anak na si Hesu Kristo, maawa po Kayo sa amin; at patawarin Mo po kami; ng sa gayo’y aming makamtan ang Iyong banal na kalooban at matahak ang landas tungo sa kaluwalhatian ng Iyong Pangalan. Amen. Pari: *Kaawaan kayo(ta yo) ng Makapangyarihang Diyos, patawarin ang inyong(ating) mga kasalanan, palakasin kayo(tayo) sa kapangyarihan ng Espiritu Santo at patnubayan kayo(tayo) sa buhay na walang-hanggan. Amen. (*Palaala: Kung walang Pari maaring sabihin ng lahat, gamitin ang “tayo” at “ating”) |
Confession |
KAPAYAPAAN Pari: Ang kapayapaan ng Diyos ay laging sumainyo. (Kapayapaan sa pamamagitan ng kumustahan, yuko o yakap-kapatid) |
The Peace |
BANAL NA KOMUNYON (Note: Kung walang Pari, ang Diyakono o Lisensyadong Ministro ay maaaring mangulo ng Komunyon gamit ang Tinapay at Alak na dati ng nakonsagrahan ng Pari o Obispo) |
Holy Communion |
ANG PAG-AALAY: AWIT PAG-AALAY: PRUSISYON NG PAG-AALAY (Iprusisyon ang mga Handog na Pera, Tinapay, Alak at iba pang handog) PAPURI: PAG-ALAY NG MGA HANDOG: Pari: Sa Iyo, O Panginoon ang kadakilaan, ang kapangyarihan, ang kaluwalhatian, ang kapurihan at ang kabanalan. Ang lahat ng bagay sa langit at sa lupa at nagmula sa Iyo at mula sa Iyo ang mga handog na ito. |
Offertory |
DAKILANG PASASALAMAT (Dalanging Eukaristiya A) Pari: Ang Panginoon ay sumainyo. |
The Great Thanksgiving |
MGA PREPASYO SA PANAHON Pagdating: Sapagkat sinugo Mo ang Iyong mahal na Anak upang kami’y iligtas sa sala’t kamatayan at maging tagapagmana ng walang hanggang buhay. Sana sa Kanyang muling pagdating bilang makapangyarihang hukom ng mundo, taos-puso namin Siyang tanghalin ang tanggapin. Pagkatao: Sapagkat ibinigay Mo si Hesu Kristo and Iyong bugtong na Anak na sa kapangyarihan ng Espiritu Santo’y naging tutuong Tao, ipinanganak kay Birhen Maria, Kanyang Ina, upang kami’y mailigtas sa kasalanan at mabigyan ng kapangyarihan bilang mga anak ng Diyos. Pagbusilak: Sapagkat sa misteryo ng Salitang naging Tao, ipinakita Mo ang bagong busilak sa aming puso upang mabigyang liwanag ang aming kaalaman sa kaluwalhatian ng Iyong Anak, si Hesukristong aming Panginoon. Kuaresma: Sa pamamagitan ni Hesukristong natukso tulad ng tao ngunit di nagkasala; sa Kanyang biyaya, kaya naming daigin ang masama at mamuhay di para sa sarili lamang kundi para sa Kanya na namatay at nabuhay muli. Banal na Lingo: Dahil sa ating mga sala, ang Panginoong Hesu Kristo ay ipinako sa krus upang ang lahat ng tao ay magbalik-loob sa Diyos. Ang Kanyang pagdurusa’t pagkamatay sa Krus ang naging daan sa buhay na walang hanggan. Paskwa: Sadyang itinakda kaming magpuri sa Iyo, O Diyos dahil sa muling pagkabuhay ng Iyong Anak, si Hesu Kristong aming Panginoon. Siya ang tunay na Korderong isinakripisyo sa kasalanan ng mundo. Ang Kanyang pagkamatay at muling pagkabuhay ang naging daan tungo sa buhay na walang hanggan. Pag-akyat sa Langit: Sa pamamagitan ng Iyong bugtong na Anak, si Hesu Kristong aming Panginoon, na nabuhay muli’t nagpakita sa mga alagad. Siya’y umakyat sa langit at naluklok sa kanan ng Ama, kung saan Siya’y naghahanda ng tahanan para sa atin upang tayo’y maging kapiling Niya sa buhay na walang hanggan. Pagbaba ng Espiritu Santo: Bilang pagtupad sa pangako ng ating Panginoong Hesu Kristo, bumaba ang Espiritu Santo at naglukob sa mga alagad upang sila’y turuan at gabayan sa katotohanan, ipagbuklod ang sangkatauhan sa iisang pananampalataya, at gawing makapangyarihan ang Simbahan bilang mahal na Bayan ng Diyos at tagapahayag ng Kanyang Salita. Kaya nga, pinupuri Ka namin, kasama ng mga anghel at mga arkanghel at lahat ng mga kalipunan ng langit, laging umaawit at nagbubunyi ng Iyong maluwalhating Pangalan: Pari at Bayan: |
Proper Prefaces |
KONSAGRASYON: (Para lamang sa Pari o Obispo. Kung walang Pari o Obispo, ang Diyakono o LEM ay maaring tumuloy sa “Ama Namin”) Pari: Banal at maawaing Ama; Sa Iyong walang-hanggang pagmamahal, nilikha Mo kami para sa Iyo; at ng kami’y nagkasala’t naging alipin ng kasamaan at kamatayan, sinugo Mo si Hesu Kristo, ang Iyong kaisa-isa at walang-hanggang Anak, upang maging tao; mabuhay at mamatay na tulad namin, upang kami’y manumbalik muli sa Iyo, ang Diyos at Ama ng lahat. Ipinagkaloob Niya sa krus ang kanyang Sarili ayon sa Iyong kalooban, isang ganap na sakripisyo para sa buong mundo. Noong gabing Siya’y ipinagkanulo, ang ating Panginoong Hesukristo ay kumuha ng Tinapay. Matapos makapagpasalamat, Kanya itong piniraso at sinabi sa mga alagad: “Kunin, kainin: Ito ang aking Katawan na ibinigay para sa inyo. Gawin ito sa pag-alaala sa Akin.” Pagkatapos ng hapunan, Kanyang kinuha ang Kopa ng alak, at nang makapagpasalamat, Kanya itong ibinigay sa kanila at sinabi: “Inumin ninyo ito; ito ang aking Dugo ng Bagong Tipan na ibinuhos para sa inyo at sa marami sa ikapagpapatawad ng kasalanan. Gawin ito sa pag-alaala sa akin.” Kaya’t ating ipahayag ang misteryo ng ating pananampalataya: Pari at Bayan: Si Kristo’y namatay! Si Kristo’y nabuhay! Priest: We celebrate the memorial of our redemption, O Father, in this sacrifice of praise and thanksgiving. Recalling His death, resurrection, and ascension, we offer You these gifts. Sanctify them by Your Holy Spirit to be for Your people the Body and Blood of Your Son, the holy food and drink of new and unending life in Him. Sanctify us also that we may faithfully receive this holy Sacrament, and serve you in unity, constancy and peace; and at the last day bring us with all Your saints into the joy of Your eternal kingdom. All these we ask through Your Son Jesus Christ. By Him, and with Him, and in Him, in the unity of the Holy Spirit, all honor and glory is Yours, Almighty Father, now and forever. |
Consecration |
PANALANGIN NG PANGINOON (Our Father) Pari: Ayon sa itinuro ng Panginoon, tayo’y manalangin: Ama Namin sumasalangit Ka, Sambahin ang Ngalan Mo Mapasa-amin ang Kaharian Mo, Sundin ang loob Mo Dito sa lupa para ng sa langit, Bigyan Mo kami ngayon ng aming kakanin sa araw-araw, At patawarin Mo kami sa aming mga sala Para ng pagpapatawad naming sa nagkakasala sa amin At huwag Mo kaming ipahintulot sa tukso at iadya mo Kami sa lahat ng masama. Sapagkat sa ‘Yo ang kaharian at ang kapangyarihan at ang kapurihan magpakaylanman. Amen. |
Lord's Prayer |
PAGPIRASO NG TINAPAY Pari: Aleluya! Si Kristo ang Kaligtasang handog sa atin. |
Breaking of the Bread |
PAG-TAAS NG TINAPAY AT KALIS Pari: Handog ng Diyos sa Bayan ng Diyos. Tanggapin ito bilang ala-ala na ibinigay ni Kristo ang Kanyang buhay at busugin ang inyong mga puso ng pananampalataya at pasasalamat. |
Raising of the Bread & Cup |
(KORDERO NG DIYOS: Maaaring awitin) Kordero ng Diyos na nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan; Pari/LEM: Katawan ni Kristo, Tinapay ng langit. (Amen) (Paanyaya: Ang Banal na Kumonyon ay sa Hapag ng Panginoon. Lahat ng binyagan at sinumang nais makisalo, ay inaanyayahan sa Hapunan ng Panginoon.) |
Lamb of God (may be sung) |
MGA AWITING PANGKOMUNYON PANALANGIN MATAPOS ANG KOMUNYON Labat: Walang-hanggang Diyos, Amang makalangit: Tinaggap Mo kami bilang mga buhay na kasapi ng Iyong Anak, si Hesukristong aming Panginoon, at binusog Mo kami ng pagkaing espiritwal, ang sakramento ng Kanyang Katawan at Dugo. Ngayon isugo Mo kami sa mundo taglay ang kapayapaan, at bigyan Mo kami ng lakas at tapang upang kami’y taos-pusong magsilbi sa Iyo nang may kagalakan, sa pamamagitan ni Kristong aming Panginoon. Amen. |
Recessional Hymn Post-Communion Prayer |
BENDISYON:* Celebrant: Ang kapayapaan ng Diyos na di- malirip ng anumang pang-unawa, palakasin kayo sa kaalaman at pag-ibig sa Diyos at sa kanyang Anak na si Hesukristong ating Panginoon--at ang pagpapala ng Makapangyarihang Diyos: Ama, Anak at Espiritu Santo, nawa’y sumainyo at manatili sa inyo, ngayon at kailanman. Amen. * Kung walang Pari, maaring sabihin ng Diyakono o LEM ito: LEM: Ang biyaya ng Panginoong Hesukristo, ang pag-ibig ng Diyos Ama at ang pakikisama ng Espiritu Santo ay mapasa-atin, ngayon at kailanman. Amen. |
Blessing |
AWITING PANGMISYON ANG PAGHAYO Diakono: Humayo kayo’t ibigin at paglingkuran ang Panginoon! |
Dismissal |
Web author: Charles Wohlers | U. S. England Scotland Ireland Wales Canada World |